Wednesday, August 22, 2012

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 2 - Si Crisostomo Ibarra

        Ang atensiyon ng lahat ng bisita ay napunta kay Kapitan Tiyago at sa kasama niyang binata na bagong dating. Ang binata ay si Crisostomo Ibarra. Ang lahat ay gulat na gulat sa pagbabalik ng binata galing sa Europa.

       Binati ni Ibarra si Padre Damaso dahil ang alam niya ay kaibigan matalik nito ang kanyang ama ngunit hindi pinansin ng Padre ang bati. Itinanggi pa niya na kaibigan niya si Don Rafael. Napahiya si Ibarra.

       Ang tinyente naman ay pinuri ang ama ni Ibarra kaya't gumaan ng kaunti ang loob ni Ibarra. Sinabi rin ng tinyente na sana mas maging mapalad siya kaysa sa kanyang ama.Tumuloy si Ibarra sa pagpapakilala ng kanyang sarili sa mga bisita. Ang kanyang buong pangalan ay Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Nagtanong din si Ibarra sa tinyente kung bakit tumigil na itong sumulat.

       Inimbitahan ni Kapitan Tinong si Ibarra sa isang panaghalian bukas ngunit tumanggi si Ibarra dahil pupunta raw siya sa San Diego bukas.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

        Ang ibig sabihin ng tinyente nang sinabi niya na "Sana'y mas maging mapalad ka kaysa sa inyong ama" ay hinihiling niya na hindi sapitin ni Ibarra ang mga masamang nangyari sa kanyang ama.

========================================================================
« Kabanata 1 - Isang Salusalo

No comments:

Post a Comment