Tuesday, August 21, 2012

Buod ng Noli Me Tangere: Kabanata 1 - Isang Salusalo

Kabanata 1 - Isang Salusalo

        Si Don Santiago, na tinatawag ding Kapitan Tiyago, ay naghanda ng isang salusalo sa kaniyang bahay sa daang Anluwage. Ito ay naganap sa bandang huli ng buwan ng Oktubre. Ang ginawang salusalo ay bukas sa lahat kaya't nang kumalat ang balitang ito, ang lahat ay naghanda para dito.

       Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay puno ng mga palamuti, mga larawan ng mga santo at mga halaman at bulaklak. Napuno ang bahay ng mga tao. Si Tiya Isabel ang sumasalubong sa mga panauhin at kalaunan ay napagod at umalis na paggalit dahil sa mga nabasag na pinggan.

        May magkakahiwalay na pulutong na nag-uusap. Isang grupo ay sa mga lalaki, iba naman ang sa mga babae at mayroon namang isa na binubuo ng mga prayle at ng isang kawal.

        Si Pari Sibyla, isang Dominiko at propesor sa San Juan de Letran; si Padre Damaso, isang Pransiskano at iniisip na laging tama ang kanyang sinasabi; at ang kawal ay ang tinyente ng guardia civil.

        Nagkakaroon ng mainit na pagtatalo rito. Nilalait ni Padre Damaso ang mga Indiyo (tawag sa mga katutubong Pilipino) na sila raw ay mangmang at walang utang na loob ayon sa karanasan niya sa loob ng 20 na taon na pagiging kura sa San Diego. Napunta ang usapan sa mga erehe (kalaban ng simbahan). Sinabi ni Padre Damaso na kinakampihan ng pamahalaan ang mga erehe. Nagalit ang tinyente dahil may karapatan daw ang Heneral na maki-alam dito dahil kinatawan siya ng Hari sa Espanya at tinakot na sasabihin ito ng tinyente sa Heneral. Inawat ni Pari Sibyla ang dalawa.

Bago umalis ang tinyente, sinabi niya na sa San Diego, may isang marangal na tao (Si Don Rafael Ibarra) at may anak sa Europa. Inilibing ito at sinabing nagpakamatay raw ngunit isang kasinungalingan ito. Nasa maayos na libingan si Don Rafael ngunit ipinahukay ito at ipinatapon kaya't nang malaman ito ng Heneral ay ipinalipat si Padre Damaso sa ibang bayan.

Bumalik ang kaayusan sa bahay. Duamating pa ang ibang bisita at natatangi ang isang Kastilang pilay na inaaky ng isang babaeng Filipina. Si Doktor de Espadaña ang matandang lalaking Kastila at ang babae naman ay si Donya Victorina na ang itsura'y animo'y taga-Europa.

========================================================================

4 comments: